Pinabulaanan ni Senator-elect Panfilo "Ping" Lacson ang mga umano'y bali-balitang nakipagpulong siya kay Vice President Sara Duterte.
"I vehemently deny and dismiss such rumor as absolutely false and outright malicious for one simple reason only: as an elected senator who is potential senator-judge in the impeachment trial involving the Vice President should the said trial cross over to the 20th Congress, it is the height of impropriety to meet with her, being a respondent in the said impeachment case already transmitted to the Senate," saad ni Lacson sa isang pahayag nitong Martes, Mayo 20.
Dagdag pa niya, "Under normal circumstances, I find nothing wrong if newly elected senators or congressmen paid a courtesy call on the second highest official of the land, which I actually did with then VP [Leni] Robredo when I won my third term in 2016."
Si Lacson ay nanalo sa nagdaang eleksyon 2025 matapos makakuha ng 15,106,111 boto.
Samantala, inaasahang tuluyang gumulong ang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa Hulyo.
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz
Kaugnay naman ng nalalapit niyang impeachment trial, kamakailan lang nang igiit ni VP Sara na mas gugustuhin niya raw magkaroon ng isang madugong impeachment.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'