May 21, 2025

Home BALITA

Nanay sinilaban 3 anak bago sinunog sarili; netizens, nanimbang

Nanay sinilaban 3 anak bago sinunog sarili; netizens, nanimbang
Photo courtesy: Pixabay/Contributed Photo via Frontline Pilipinas (YT)

TRIGGER WARNING: Pagbanggit sa salitang depresyon

Hindi maka-get over ang mga netizen sa kalunos-lunos na balitang isang ina sa Sta. Maria, Bulacan ang sumunog sa kaniyang tatlong maliliit na anak, at pagkatapos, saka naman niya ito ginawa sa kaniyang sarili, dahil umano sa depresyon.

Ayon sa mga ulat, nadatnang sunod na sunog ang mga bata sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay San Vicente. Kuwento ng isang kapitbahay, naisalaysay pa raw ng animna taong gulang na anak ng namatay na suspek, na siyang panganay, na binuhusan sila ng kanilang sariling ina ng gaas.

Itinakbo sa ospital ang mga bata subalit dead on the spot ang bunso habang namatay naman ang dalawa pa, kasama ang ina na siya umanong gumawa ng panununog.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Base umano sa inisyal na imbestigasyon, ang nabanggit na nanay ang sumunog sa kaniyang mga anak, at pagkatapos, siya naman ang gumawa nito sa kaniyang sarili, sa pamamagitan ng paint thinner.

Bago raw maganap ang insidente ay nagpa-blotter pa sa barangay ang ina para ireklamo ang mister at umano'y pakialamerang biyenan, na pinag-aaway umano silang mag-asawa. Pagkatapos daw magpa-blotter, saka raw isinakatuparan ng ina ang trahedya.

Narekober naman ng mga awtoridad ang basyo ng paint thinner at posporo na pawang ginamit sa krimen.

Sa Batangas daw nagtatrabaho ang mister at tatay ng mga bata, na tumangging magbigay ng pahayag at humiling ng privacy.

Naging paksa naman sa social media ang nangyari. May mga nagsabing sana raw ay hindi na dinamay ng ina ang mga anak niya. May mga nagsabi namang huwag agad husgahan ang ina at baka may malalim siyang pinagdaraanan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ang bigat sa dibdib. I know how it feels to be in that situation, been there I'm just thankful to God we've made it through the worst and hardest part. Sana ate kumapit ka pa din para sa mga anak mo. Can't blame you tho. Fly high angels.. Mama must have chosen the easiest way for her."

"People won’t really understand her—lalo na ‘yung mga taong hindi pa naranasan ang sitwasyon niya. I’m also a mom na nagsu-suffer sa mental health ko... Don’t be harsh to all the moms out there. Don’t be the reason that some children will lose their mother. Sa mga asawa din dyan wag nyong bigyan ng rason ang mga asawa nyo para sukuan ang buhay. Please don’t misinterpret this post. I am not justifying the mother’s actions or excusing her for killing her children. My point is to explain a possible reason why she may have ended up doing it."

"Need talaga ng mga nanay ng matibay at solid sa support pag ganito eh. I'm so sorry she did not get the support she needed. Sana ako ung nachat nya para kahit paano napadalhan ko sya (hindi kami magkakilala pero i think magkapitbahay kami sa bahay sa bulacan same brgy kasi sabi sa news) baka sakali kahit paano naramdaman nya na may nakakaintindi."

"Sa mga Nanay na mga may pinag dadaanan , hwag po tayo panghinaan ng loob. Isipin po natin lagi ang mga anak natin na sa atin umaasa at patuloy na magtiwala sa ating Poong Maykapal"

"Tatlong inosenteng anghel ang nawala sa mundo—sinunog ng sariling ina, at pagkatapos ay ang sarili niya. Isang trahedyang mahirap arukin. Pero sa likod ng lahat ng ito, isang napakatinding sakit ang dahilan: depresyon... Depresyon ay totoo. Hindi ito dapat binabalewala. At minsan, ang panloloko, kapabayaan, at kakulangan sa pagmamahal ang nagtutulak sa isang taong sumuko. Kung may kilala kang may pinagdadaanan, kamustahin mo. Baka isang simpleng 'kamusta ka?' ang makapagligtas ng buhay."