Hindi na raw tatakbo si Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso sa mas mataas na posisyon sa 2028 elections.
"Hindi na. Tama na ‘yong minsan kong pinangarap 'yon na ialay ko ang sarili ko sa ating mga kababayan sa buong bansa," saad ni Domagoso sa kaniyang radio interview kay DJ Chacha.
Dagdag pa ni Domagoso, nakatutok siya ngayong sa bagong mandato sa lungsod at aniya mabigyan sana siya ng pagkakataon ng mga Manilenyo na maglingkod ng tatlong termino.
"For the meantime, I'm focused on new mandate here in Manila and we're gonna do, hopefully, pagbibigyan tayo ng mga taga-Maynila in the next 10 years. Because what we're gonna do is plan something for the next 10 years para magtuloy-tuloy naman ang progreso at pagsasaayos ng siyudad," anang mayor-elect.
Nangako rin si Domagoso na hindi na niya iiwanan ang Maynila.
"I made that commitment already to the public."
Matatandaang tumakbo bilang pangulo si Domagoso noong 2022, matapos ang kaniyang isang termino bilang alkalde ng Maynila.
Samantala, maagang nanumpa bilang alkalde ng Maynila si Domagoso.
BASAHIN: Isko Moreno Domagoso, nanumpa na bilang bagong-halal na alkalde ng Maynila