May 20, 2025

Home BALITA Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!
Photo courtesy: Junard "Ahong" Chan (FB)

May bonus na ₱10,000 ang isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Lapu-Lapu City matapos kumasa sa pagpapatuli.

Mababasa sa Facebook post ni Lapu-Lapu City Mayor Junard "Ahong" Chan ang pagbibigay ng cash sa nabanggit na lalaki, matapos niyang kumasa sa Libreng Tuli sa pangunguna ni Hon. Galaroza Dok Emilio Galaroza Jr.

Iniabot daw ni ABC President Kap. Jasmine Daday Chan ang nabanggit na cash.

Para naman sa mga batang nagpatuli, namahagi sila ng libreng gamot, libreng ice cream, at libreng pagkain mula sa isang sikat na fast food chain.

Probinsya

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Nagpasalamat naman ang alkalde sa kanilang volunteers.

Ayon sa mga tala, kadalasan umanong tinutuli ang mga lalaking nasa edad 9 hanggang 12. Pero minsan, may mas matanda pa raw kaysa edad 12. May ilan din namang sanggol pa lang ay tinutuli na batay sa kagustuhan ng magulang.

Pinaniniwalaang pagtutuli ang isa sa mga antigong uri ng “human surgical procedure” sa daigdig. Kung pagbabasehan ang mga historikal na tala at arkeolohikal na ebidensiya, nagsimula umano ito sa Egypt noon pang ika-23 siglo B.C.E (before the common era).

Pero higit sa usapin ng relihiyon, ang pagpapatuli ay may benepisyong pangkalusugan. Pinapababa umano nito ang tiyansang magkaroon ng penile cancer ang lalaki. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng cancer ay maiuugat sa tira-tirang ihi sa balat ng ari na kalaunan ay nagiging smegma o kupal.

Bukod dito, makakaiiwas din umano ang lalaki sa Sexually Transmitted Disease (STD) dahil wala nang balat na makakapitan ang bacteria.

BASAHIN: Pukpok o doktor? Ang tradisyon ng pagtutuli sa Pilipinas