May 19, 2025

Home BALITA

Tugon ng Palasyo sa 'bloodbath impeachment' remark ni VP Sara: 'May pagkabayolente'

Tugon ng Palasyo sa 'bloodbath impeachment' remark ni VP Sara: 'May pagkabayolente'
Photo courtesy: screenshot from RTVM, MB file photo

Nagkomento ang Palasyo hinggil sa kagustuhan umano ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng madugong impeachment trial.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Lunes, Mayo 19, 2025, iginiit niyang may pagkabayolente raw ang gustong mangyari ng Pangalawang Pangulo.

"Medyo may pagkabayolente ang tugon ng ating Bise Presidente," ani Castro.

Hiling pa ni Castro, na hindi raw sana ito magkatotoo.

National

Anthony Taberna, host ng episode 1 ng 'BBM Podcast'

"We hope it is just figure of speech and will not be taken literally," aniya.

Muli ring iginiit ni Castro na hindi mangingialam si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., sa magiging proseso ng nakabinbing impeachment ni VP Sara.

"Kung 'yan naman po ang nais n'ya at talaga namang magkakaroon ng balitaktakan kapag nagkaroon ng trial, hayaan na lang po natin itong gumulong, saad ni Castro.

Dagdag pa niya, "Hindi po mangingialam ang ang Pangulo patungkol sa ganiyang issue. Hindi tayo magbibigay ng anumang opinyon patungkol diyan."

Matatandaang kamakailan lang nang igiit ni VP Sara na mas nanaisin niya raw na matuloy ang kaniyang nakabinbing impeachment trial na sana raw ay mas magdugo ito.

“Sinabihan ko na rin talaga sila [mga abogado n’ya]. I truly want a trial because I want a bloodbath talaga,” anang Pangalawang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'

Samantala, pinalagan naman ni Congresswoman-elect Leila de Lima ang naturang pahayag ni VP Sara. Si De Lima ang isa sa mga uupong prosecutor ni Bise Presidente kabilang na si Congressman-elect Chel Diokno.

KAUGNAY NA BALITA: 'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'