Nagpahayag ng pasasalamat si Senator-elect Camille Villar sa naging pag-endorso raw sa kaniya ni Vice President Sara Duterte noong nakaraang eleksyon.
Sa isang Facebook post noong Linggo, Mayo 18, 2025, iginiit niyang wala umanong iwanan sa samahang kaniyang nabuo kasama ang Bise Presidente katulad daw ng kanilang ipinangako sa isa't isa.
"Maraming maraming salamat, VP Inday Sara, for standing with me all the way. Your friendship and support—both personal and political—mean the world to me and my family," saad ni Villar.
Dagdag pa niya, "Walang iwanan, just like we’ve always promised each other. Here’s to standing together for the country and the people we’ve both pledged to serve."
Matatandaang hindi inalis ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si Villar matapos ang kaniyang hindi pagsipot sa mga campaign sorties ng partido. Habang iginiit naman ng PDP-Laban na isinama na nila sa kanilang senatorial line-up naman noon sina Villar at Sen. Imee Marcos na naunang umalis ng Alyansa at iginiit na tatakbo siya bilang independent candidate.
KAUGNAY NA BALITA: Camille Villar, bahagi pa rin ng ‘Alyansa’ ni PBBM
KAUGNAY NA BALITA: Camille Villar, nakipag-fist bump kay VP Sara: 'Walang iwanan'
KAUGNAY NA BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee