May 19, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kabataan Partylist sa naudlot na proklamasyon ng Duterte Youth: 'Deserve!'

Kabataan Partylist sa naudlot na proklamasyon ng Duterte Youth: 'Deserve!'
Photo courtesy: Renee Co/FB at contributed photo

Itinuturing umanong unang hakbang ng Kabataan Party-list ang pagkakasuspinde ng Duterte Youth Party-list matapos silang hindi payagang maproklama ngayong Lunes, Mayo 19, 2025 dahil sa mga nakabinbing petisyon laban sa kanila. 

Sa panayam ng media kay Kabataan Partylist Representative at Congresswoman-elect Atty. Renee Co, nararapat lamang daw ang sinapit ng tinatawag nilang “pekeng party-tlist” ng mga kabataan.

"Deserve!" ani Co. 

Dagdag pa niya, “Suspension ng Duterte Youth is the first step doon sa matagal na clamor ng youth sector para sa kanilang disqualification.”

Eleksyon

Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

Saap pa niya, hindi raw bitbit ng Duterte Youth ang mga panawagan ng kabataan sa kanilang anim na taong panunungkulan sa Kamara.

“Hindi nila binitbit ever ang mga panawagan ng sektor ng kabataan- ang pangangailangan nila edukasyon, trabaho, serbisyo, karapatan, kasarinlan,” aniya.

Umaasa rin daw ang Kabataan Party-list na tuluyang madiskwalipika ang Duterte Youth. 

“We welcome this first step and of course we are guarded. So that the following steps until the disqualification persists,” saad ni Co.

Matatandaang nitong Lunes din ng kumpirmahin ng Commission on Elections (Comelec) na kabiang ang Duterte Youth sa dalawang party-list representatives na sinuspinde ng komisyon na maiproklama kasama ng Bagong Henerasyon (BH) Party-list.

KAUGNAY NA BALITA: Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress