Na-diagnose na may agresibong porma ng prostate cancer ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden, batay sa opisyal na pahayag ng kaniyang tanggapan.
Napag-alaman daw ang sakit matapos kumonsulta ng dating pangulo matapos makaranas ng urinary symptoms. Batay sa pagsusuri ng mga espesyalista, nakitaan siya ng prostate nodules.
"While this represents a more aggressive form of the disease, the cancer appears to be hormone-sensitive which allows for effective management. The President and his family are reviewing treatment options with his physicians," ayon sa pahayag.
Kung pagbabatayan ang Gleason score, mula sa 6 hanggang 10, nasa 9 daw ang nabanggit na prostate cancer ni Biden na maituturing na "most aggressive."
Nagpaabot naman ng encouraging words ang mga celebrity, political personalities, at netizens para sa agarang recovery ni Biden.