May 19, 2025

Home BALITA Eleksyon

Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress

Duterte Youth, BH Party-list, naudlot proklamasyon para sa 20th Congress
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na pansamantalang suspendido ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-list at Bagong Henerasyon (BH) Party-list ngayong Lunes, Mayo 19, 2025.

Ayon kay Comelec George Erwin Garcia, nagkaroon ng rekomendasyong supendihin ang dalawang party-list bunsod umano ng mga petisyong nakabinbin laban sa kanila.

"In its recommendation dated May 17, 2025, the supervisory committee has recommended the suspension of the proclamation of Duterte Youth Partylist and BH Bagong Henerasyon due to the following pending petitions filed before the Clerk of the Commission," ani Garcia.

Saad pa ni Garcia kabilang umano sa mga alegasyon laban sa Duterte Youth at BH Party-list.

Eleksyon

Kabataan Partylist sa naudlot na proklamasyon ng Duterte Youth: 'Deserve!'

"Considering the serious allegations raised in the above petitions which involved grave violation of election laws, the National Board of Canvassers resolves to suspend the proclamation of Duterte Youth Party-list and Bagong Henerasyon Party-list until the speedy and judicious resolution of the petitions filed before the Clerk of Commission," anang Comelec chairman.

Bagama't naantala ang proklamasyon ng Duterte Youth at BH Party-list, hindi umano nangangahulugang diskwalipikado na sila sa pag-upo sa Kamara hangga't hindi raw nareresolba o naisasapinal ang mga petisyong nakabinbin laban sa kanila.

Kabilang ang Duterte Youth sa top 3 ng Party-list Representative na nakatakda sanang umokupa ng tatlong puwesto sa Kamara kasama ng Akbayan at Tingog Party-lists.

KAUGNAY NA BALITA: 3 nominees ng Akbayan, Duterte Youth, Tingog, magkakaroon ng puwesto sa Kamara—Comelec