Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Davao Del Norte bandang 11:41 ng umaga, Lunes, Mayo 19.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang 5.2 magnitude sa Santo Tomas, Davao Del Norte na may lalim ng 32 kilometro.
Naitala ng ahensya ang Intensity III sa San Fernando, Bukidnon; Magpet at Kidapawan City, Cotabato; at Gingoog City, Misamis Oriental.
Intensity II naman sa M'lang Cotabato; Matanao, Davao Del Sur; at Nabunturan, Davao de Oro. Intensity I naman sa Kalilangan, Libona at Malitbog, Bukidnon; Magsaysay at Davao City, Davao Del Sur; at Balingasag at Initao, Misamis Oriental.
Samantala, ayon sa Phivolcs, bagama't walang inaasahang pinsala, inaasahan naman ang aftershocks.