Muling inihayag ng nagbabalik-Kongresong Akbayan Party-list ang kanila raw suporta sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng media kay Akbayan Party-list 1st nominee Chel Diokno kasama ang kaniya pang co-nominees na sina Percival Cendana at Dadah Kiram Ismula, ipinaliwanag niya kung ano raw ang gusto nilang mapatunayan sa naturang nakabinbing impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.
“Ang impeachment trial ay isang civilized legal process. At ang mangyayari doon ay malalaman ng buong bansa katotohanan,” ani Diokno.
Dagdag pa niya, “Kaya nga kami ay sumusuporta sa impeachment ay dahil gusto namin ng unang-una malaman ang katotohanan. Pangalawa, ay magkaroon ng pana[na]gutan at pangatlo ay hustisya para sa bayan.”
Kabilang ang Akbayan Party-list sa mga nag-endorso ng impeachment complaints laban kay VP Sara. Noong Disyembre nang iendorso ng naturang party-list ang impeachment complaints na inihain ng iba't ibang civic society leader, religious leaders ar advocacy groups.
KAUGNAY NA BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders
Samantala, inaasahang tuluyang gumulong ang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa Hulyo.
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz
Kaugnay naman ng nalalapit niyang impeachment trial, kamakailan lang nang igiit ni VP Sara na mas gugustuhin niya raw magkaroon ng isang madugong impeachment—bagay na tahasang inalmahan ni Congresswoman-elect Leila de Lima na kabilang na rin sa mga uupong prosecutor ng impeachment.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'
KAUGNAY NA BALITA: 'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'