Tinatayang nasa 13 senador na raw ang nagpahayag na umano ng ng pagsuporta upang maibalik na Senate President si Senator-elect Tito Sotto III.
Sa panayam ng media kay Senator-elect Ping Lacson matapos ang kanilang proklamasyon noong Sabado, Mayo 17, 2025, iginiit niyang nasa 13 na raw mula sa mga bago at kasalukuyang nakaupong senador ang nakasuporta sa tinawag niyang "independent senate" na isusulong daw ng kaniyang dating running-mate.
"At least 13," ani Lacson.
Dagdag pa niya, "Our aim is to have an independent, credible and transparent Senate-the 20th Congress of the Republic of the Philippines."
Samantala, sa hiwalay namang panayam ng isang radio station kay Sotto, nanindigan siyang dapat umanong manatiling independent ang tindig ng Senado.
"The Senate should always be independent so hindi pupwedeng sabihin na yung majority ng Senado ay pro-administration. Kung ako ang lider, pro-people," anang incoming senator.
Matatandaang kamakailan lang ng ihayag ni Sotto na nasa tatlong senador na raw ang nanliligaw sa kaniya upang maging Pangulo muli ng Senado na nakahanda raw niyang tanggapin. Sa kasalukuyan, si Senate President Chiz Escudero ang may hawak sa liderato ng Senado.
KAUGNAY NA BALITA: : Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency
BASAHIN: Pagbabago sa liderato ng Senado, hindi pa malinaw—Sen. Imee