Ibinahagi ng proklamadong senador at dating senate president na si Tito Sotto III na sa kasaysayan ng Senado, siya ang kauna-unahang senador na limang beses nakabalik sa pagkasenador matapos iboto ng taumbayan at manalo sa halalan.
"In the Philippine Senate from 1916 up to the present, I am privileged to be the first and presently the only one who have [has] been elected for five (5) terms," aniya sa kaniyang Facebook post.
Ipinagmalaki rin ni Sotto ang kaniyang mga nagawang batas.
"In these terms, I have made legislations and principally authored 259 laws that improved and elevated the lives of the Filipinos," aniya.
Noong 2022, tumakbong Pangalawang Pangulo si Sotto ka-tandem ni Panfilo Lacson subalit pareho silang nabigo sa mga kalabang sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.
Para sa 20th Congress ay parehong maninilbihan ulit sa bayan sina Sotto at Lacson bilang mga senador hanggang 2031.