May 18, 2025

Home BALITA

Pagkukumpuni sa San Juanico Bridge, posibleng pumalo ng ₱500M—OCD

Pagkukumpuni sa San Juanico Bridge, posibleng pumalo ng ₱500M—OCD
Photo courtesy: Contributed photo

Inihayag ng Office of the Civil Defense (OCD) na tinatayang aabot umano ng milyong halaga ang pagkukumpuni sa isa sa mga pinakamahabang tulay sa bansa—ang San Juanico Bridge.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomucena, posible raw na umabot ng ₱300 hanggang ₱500M ang kakailanganin upang makumpuni ang naturang tulay. 

“Very rough estimate po ito, wala pang masyadong detalye. Between ₱300 to  ₱500 million kung kinakailangan pang repair,” ani Nepomuceno.

Matatandaang kamakailan lang nang magsagawa ng pagsusuri sa tulay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan inirekomenda nila doon ang pagbabawal muna sa pagdaan ng mga malalaki at mabibigat na sasakyan.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

“Those traversing the bridge must use the centerline, proceeding ONE AT A TIME, and should follow all on-site traffic directions,” anang DPWH.

Dagdag pa nila, “This measure is strictly enforced to ensure motorist safety, mitigate risks associated with identified damage, and facilitate essential repair and maintenance work.”

Samantala, sa hiwalay na pahayag, pinagtibay din ng OCD ang naturang rekomendasyon ng DPWH upang hindi na raw lumala pa ang kondisyon ng San Juanico Bridge.

“This alert is issued in anticipation of slow-onset disasters or potential escalation of the situation. It underscores the need for heightened readiness, proactive measures, and strengthened inter-agency coordination to ensure the smooth flow of essential goods and services while mitigating emerging risks and disruptions,” saad ng OCD.