May 18, 2025

Home BALITA Politics

Matapos ang eleksyon, mensahe ni PBBM: 'Put all the politics aside'

Matapos ang eleksyon, mensahe ni PBBM: 'Put all the politics aside'
Photo courtesy: Contributed photo

Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isantabi na raw ang politika ngayong tapos na ang eleksyon.

Sa kaniyang maiksing mensahe sa thanksgiving ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Sabado, Mayo 17, 2025, binigyang-diin ng Pangulo ang oras na raw upang tugunan ang totoong isyu ng bansa.

“We all wish we had better results but, you know, we live to fight another day. At  now it's time, I think, to put all the politics aside,” anang Pangulo.

Dagdag pa niya, “It's time to put all of the issues that were raised during the election and only talk about not political issues but developmental issues, healthcare issues, education issues, agriculture issues, food supply issues, all of these things. Sana naman ako lagi kong  binibilang ang araw na natititra sa term ko at kailangan matapos natin yung mga nasimulan natin.”

Politics

Pulong, balak itapat ni VP Sara kay Romualdez sa House Speakership?

May mensahe rin ang Pangulo sa patuloy na pagsubaybay ng media sa kaniyang administrasyon.

“Let's let people know that we are going to continue to work hard now and put the, as I said, politics aside. It's a, consider it a distraction for now. Put the politics aside and get on with the work of nation-building,” anang Pangulo.

Samantala, tanging si Sen. Lito Lapid lamang ang dumalo sa 11 pambato ng Alyansa sa naturang thanksgiving party, kung saan nagpasalamat din siya sa suportang natanggap sa partido matapos siyang makapasok sa magic 12 ng senatorial race.

KAUGNAY NA BALITA: Thanksgiving party ng Alyansa, dinedma ng mga pambato! Sen. Lapid, nag-iisang sumipot