Pinapalayas ng bagong halal na mayor ng Albuera, Leyte na si Mayor Kerwin Espinosa ang mga drug addict o lulong sa ipinagbabawal na gamot, sa kaniyang bayan.
Matapos ang proklamasyon sa kaniya noong Mayo 13, sinabi ni Espinosa na ang isa sa mga priyoridad niya sa bayan ay linisin ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
"Panglayas kamo dinhi kung di mo mobiya sa bisyo," banta niya sa sa mga adik.
Sinundan ni Espinosa ang yapak ng kaniyang amang si Rolando Espinosa Sr., na minsan na ring naging alkalde ng Albuera.
Ibinida pa ni Espinosa kamakailan ang pagbabasa niya ng libro bilang paghahanda sa panibagong tungkulin niya.
MAKI-BALITA: Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH
Kamakailan lamang ay binaril si Espinosa habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an subalit himalang nakaligtas.
MAKI-BALITA: Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya sa Leyte
Pero bago ang pagsabak sa politika, naging kontrobersiyal si Espinosa matapos niyang idiin noon sa ilegal na droga si dating Senador Leila De Lima, na naging dahilan ng kaniyang pagkakakulong.
MAKI-BALITA: Kerwin Espinosa, inutusan umano ni Dela Rosa na idiin si De Lima sa illegal drug trade
Ngunit noong 2024, inamin ni Espinosa na umano'y inutusan lamang siya ng noo'y Philippine National Police (PNP) chief at ngayo'y senador na si Sen. Bato Dela Rosa para idawit sa illegal drug trade si De Lima.