May 18, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando
Photo courtesy: Kyle Jennermann (FB)

Nakisayaw at nakisaya sa "Sayaw sa Obando" ang kilalang Filipino-Canadian travel vlogger na si Kyle Jennermann o "Kulas" ay misis na si Therine Diquit, ngayong Linggo, Mayo 18, sa National Shrine of Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción de Salambao sa Obando, Bulacan.

Isang nakaugaliang tradisyon ang pagsasayaw ng mga mag-asawa sa Obando para ipagdasal ang pagkakaroon ng anak, lalo na ang matatagal nang nagsasama subalit hindi pa binibiyayaan nito.

"The National Shrine of Our Lady of Salambao. Today is the first of three days of Fiesta in Obando, Bulacan. Stopped by this evening," mababasa sa Facebook post ni Kulas.

Sayaw sa Obando

Mga Pagdiriwang

EXCLUSIVE: Lalaki, tinupad pa rin panata sa Poong Nazareno kahit ‘di makalakad

Ang sayaw sa Obando, Bulacan ay kilala bilang Obando Fertility Dance o Obando Dance Festival.

Ito ay isang tradisyonal na pagdiriwang na ginaganap tuwing Mayo sa bayan ng Obando. Ang sayaw na ito ay kilala sa kakaibang ritmo at masiglang musika, at karaniwang binibigyang-pugay ang mga santo at santang sina San Pascual Baylon, Santa Clara, at Nuestra Señora de Salambao.

Ang Obando Fertility Dance ay may kaugnayan sa paniniwala ng mga tao na maaaring magdulot ito ng pagpapala ng pagbubuntis sa mga nais magkaanak.

Kaya't maraming mga mag-asawa at mga taong nagnanais ng pagbubuntis ang sumasayaw sa pagdiriwang na ito, na nagpapakita ng kanilang debosyon at pananampalataya.