May 18, 2025

Home BALITA National

DepEd, umalma sa kumakalat na may Grade 13 na sa Senior High School

DepEd, umalma sa kumakalat na may Grade 13 na sa Senior High School
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)/DepEd Assistance.PH

Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa mga kumalat na pekeng balitang magkakaroon na ng "Grade 13" ang Senior High School sa darating na school year 2025-2026.

Mababasa sa opisyal na pahayag ng DepEd, "Fake news ang kumakalat na Facebook post tungkol sa umano’y dagdag na Grade 13 sa Senior High School para sa SY 2025-2026."

"Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation."

"Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts," anila pa.

National

Giit ni HS Romualdez sa bentahan ng ₱20 na bigas: 'The beginning of a national transformation!'

Ang Senior High School ay mananatiling Grade 11 at Grade 12 lamang sa susunod na taong panuruan.