May 18, 2025

Home BALITA

Atty. Medialdea, may kuwento tungkol kay FPRRD matapos arestuhin ng ICC, dalhin sa The Hague

Atty. Medialdea, may kuwento tungkol kay FPRRD matapos arestuhin ng ICC, dalhin sa The Hague
Photo courtesy: Contributed photo

Ibinahagi ni dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea ang naging utos umano sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong papunta na sila sa The Hague matapos ipaaresto ng International Criminal Court.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Sa panayam ng ilang mga tagasuporta ng dating Pangulo kay Atty. Medialdea noong Sabado, Mayo 17, 2025 (aras sa Netherlands), ikinuwento niya kung paano raw naisip ni dating Pangulong Duterte ang kapakanan ng noo’y mga kasama nila sa eroplano.

“Ang unang tanong niya sa akin nung naglanding na kami, 'May pera ka ba diyan?' sabi ko mayroon akong, mayroon yata akong 550 dollars na Hong Kong kasi galing kaming Hong Kong eh, yun lang ang laman ko tsaka may card ako,” ani Medialdea

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Dagdag pa niya, “Oh sige, pagdating natin sa airport pakainin mo lahat ng kasama natin sa eroplano. Gutom na gutom lahat 'yan.' Kalaban n'ya yun ah, yun pa yung nanghuli sa kaniya. 'And then bilihan mo sila ng mga jacket nila kasi napakalamig.' Hindi n'yo alam yung mga istorya na 'yan eh.”

Matatandaang noong Marso 12, nang dumating sa The Hague sina dating Pangulong Duterte kung saan hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa kustodiya ng ICC dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD