May 17, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa PMA graduates: ‘Wag maging kasangkapan ng pagtatraydor ng mga nasa kapangyarihan’

VP Sara sa PMA graduates: ‘Wag maging kasangkapan ng pagtatraydor ng mga nasa kapangyarihan’
Courtesy: Vice President Sara Duterte/FB

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) na huwag maging kasangkapan ng “pagmamalabis, pagtatraydor, at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan” sa mga kapwa raw nila Pilipinong matapang na naninindigan para sa “kabutihan, tama, at katotohanan.”

Sa isang video message nitong Sabado, Mayo 17, nagpaabot ng pagbati si Duterte sa mga nagtapos sa hanay ng “Siklab-Laya” Class of 2025 ng PMA, at kinilala ang kanilang pagmamahal sa bayan.

“You have chosen the life of selfless service that only the brave, the courageous, and the real patriot would choose — demonstrating strength, integrity, and honor before a nation seeking to overcome institutional abuse of power and extreme inequalities impacting mostly the poor,” ani Duterte.

Hiniling ng bise presidente sa PMA graduates na maging instrumento sa pagsusulong ng kabutihan at hindi raw sana maging kasangkapan ng pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan.

National

VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'

“Lagi sana kayong maging instrumento na magsusulong ng kabutihan, ng tama, ng katotohanan, at tunay na pagbabago sa buhay ng mga Pilipinong patuloy na nangangarap, nagsusumikap, at umaasang magtatagumpay,” saad ni Duterte.

“Huwag sana kayong maging kasangkapan ng pagmamalabis, pagtatraydor, at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan sa mga kapwa Pilipino na katulad ninyo ay matapang na naninindigan para sa kabutihan, sa tama, sa katotohanan, at sa tagumpay ng mga Pilipino.”

“Sa inyong paglilingkod ay magsisiklab hindi lamang ang mga minimithi natin bilang isang malayang bansa kundi pati na rin ang pagliliyab at paglagablab ng ating lakas upang maging tunay na malaya,” dagdag niya.

Ayon pa sa bise, nagtitiwala siyang magpapatuloy ang PMA “Siklab-Laya” Class of 2025 na isabuhay ang mga natutunan nila sa kanilang edukasyon at maging mga kadeteng may tapang, integridad, at katapatan sa kanilang tungkulin.

“Keep the fervor within you burning and continue building a bright future amid every hurdle and challenge in these times of uncertainty so you may stand as a beacon of hope and strength to our hopeful nation” mensahe ng bise presidente.

“May you always strive to restore and uphold the values of an independent, non-partisan and professional institution. One, whose sole duty is to defend the constitution. May you never yield to the greed for material gain, political pressure, or foreign influence. May you always stand unbowed,” saad pa niya.