May 17, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee sa 'di pagbanggit kay PBBM sa speech: 'Ay, nakalimutan ko na!'

Sen. Imee sa 'di pagbanggit kay PBBM sa speech: 'Ay, nakalimutan ko na!'
Sen. Imee Marcos at Pres. Bongbong Marcos (Photo: Senate/YouTube screengrab; file photo)

May sagot si Senador Imee Marcos kung bakit hindi kasama ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang talumpati nang maproklamang nahalal na senador sa 2025 midterm elections nitong Sabado, Mayo 17.

Kasama si Marcos sa 12 ipinroklamang senador sa proclamation ceremony ng Commission on Elections (Comelec) sa The Manila Hotel Tent City nitong Sabado, Mayo 1, matapos niyang mapunta sa rank 12 at makatanggap ng 13,339,227 boto.

Sa kaniyang maikling talumpati, pinasalamatan ni Sen. Imee ang kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos na dumalo rin sa seremonya, ang kaniyang mga anak, at maging ang mag-amang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Samantala, wala sa mga binanggit ng senadora ang pangalan ni PBBM.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

MAKI-BALITA: ‘Di binanggit si PBBM?’ Sen. Imee, pinasalamatan sina FPRRD, VP Sara sa proklamasyon

Matapos ang talumpati ni Sen. Imee ay tinanong siya ng mga mamamahayag kung bakit hindi niya binanggit ang pangulo

“Ay nakalimutan ko na,” maikling sagot ng senadora.Matatandaang ilang araw bago matapos ang kampanya para sa 2025 midterm elections, kumalas si Sen. Imee sa senatorial slate ni PBBM na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” kaugnay ng naging pag-aresto kay FPRRD at pagdala sa kaniya sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan.”