May 18, 2025

Home BALITA

Matapos manalo sa eleksyon, Sen. Bato, balak bisitahin si FPRRD sa The Hague

Matapos manalo sa eleksyon, Sen. Bato, balak bisitahin si FPRRD sa The Hague
Photo courtesy: Screengrab from MB, ICC/FB

Nais umanong bisitahin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng media kay Dela Rosa matapos ang kaniyang proklamasyon sa pagkapanalo sa kaniyang ikalawang termino, nitong Sabado, Mayo 17, 2025, iginiit ng senador na nagbabalak daw siyang mag-apply ng Visa papuntang The Hague.

“Mag-try ako mag-apply ng Schengen visa. At kung bibigyan ako, tanungin ko sa ES Medialdea kung okay ba kung pumunta ako doon," ani Dela Rosa.

Isa si Dela Rosa sa mga matutunog na pangalang nakatakda umanong isunod ng ICC na arestuhin kaugnay ng naging madugong kampanya ni dating Pangulong Duterte kontra droga.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Depensa naman ni Dela Rosa nang tanungin tungkol sa nakaamba umanong pag-aresto kung sakaling personal siyang pumunta sa The Hague, “Bakit ba...gustong-gusto n'yo ko agad ikulong doon? Atat na atat kayo na ikulong ako doon ah?"

Matatandaang minsan na ring sinabi ni Dela Rosa ang kaniya raw planong mabisita ang dating Pangulo kung saan iginiit niyang nakahanda raw siyang gumamit ng wig upang hindi makilala ang kaniyang pagkakakilanlan.

“Mag-try ako mag-apply ng Schengen visa. Kung isyuhan ako, then maybe, well, kung may pagkakataon, before the elections sana makabisita ako sa kanya…baka before or after elections,” anang senador.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, planong bisitahin si FPRRD sa ICC: ‘Mag-wig ako para ‘di makilala doon’