May 17, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kampo ni FPRRD, pinag-aaralan paano manunumpa bilang mayor ng Davao City

Kampo ni FPRRD, pinag-aaralan paano manunumpa bilang mayor ng Davao City
Photo courtesy: screengrab from ICC/YT, screengrab from Harry Roque/FB

Pinag-aaralan na raw ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung paano siya makakapanumpa bilang alkalde ng Davao City habang nakadetine sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands.

Sa isang video na ibinahagi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque kamakailan, mapapanood ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pakikipag-ugnayan na raw nila sa mga abogado ng kaniyang ama.

"Pinag-uusapan namin ng kaniyang ICC lawyer at kaniyang Philippine lawyer kung paano siya maka-oath as a winner ng mayoral  contest dito sa Davao City. Pinag-uusapan namin yun actually, noong isang araw," anang Pangalawang Pangulo.

Ayon pa kay VP Sara mayroon daw silang palugit hanggang sa Hunyo 30 upang makapanumpa si dating Pangulong Duterte.

Eleksyon

Gabriela, pinaiimbestigahan umano’y mga iregularidad sa eleksyon

"We have until the day after proclamation-until noon of June 30 para siya maka-oath," aniya. 

Matatandaang bago siya maaresto at tuluyang dalhin sa ICC ay muling tumakbo si dating Pangulong Duterte sa kanilang balwarte sa Davao City bilang alkalde ng lungsod. Nakatakda niyang palitan ang kaniyang anak na si Sebastian Duterte na siya namang nanalo bilang vice mayor ng lugar.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Tinalo ni dating Pangulong Duterte ang kaniyang datingmiyembro ng gabinete na si Karlo Nograles. 

Samantala, kaugnay nito, nauna nang igiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi umano papayagang manumpa sa ibang bansa at magtrabaho mula sa ibang bansa ang sinomang nanalong kandidato. 

Sa Setyembre 23 pa ang nakatakdang susunod na hearing ng dating Pangulo kaugnay pa rin sa kaniyang naging madugong kampanya kontra droga kung saan inaasahang ipetisyon kung papayagang pansamantalang makalabas ang dating Pangulo.