Ipinaabot ni Senador Risa Hontiveros ang kaniyang pagkatuwa sa pagkapanalo ni dating Vice President Leni Robredo bilang alkalde ng Naga City, dahil madaragdagan na naman daw silang mga nagsusulong ng good governance sa gobyerno.
“Congratulations to Mayor-elect Atty. Leni Robredo sa kaniyang panalo sa Naga,” saad ni Hontiveros sa isang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 16.
“Siguradong may kasangga nanaman tayo sa pagsusulong ng good governance sa gubyerno,” dagdag niya.
Matatandaang noong Martes, Mayo 13, nang iproklama si Robredo bilang bagong alkalde ng Naga matapos ang isang landslide na pagkapanalo. Siya ang itinuturing na kauna-unahang babaeng mayor ng lungsod.
MAKI-BALITA: Ex-VP Leni Robredo, kauna-unang babaeng alkalde ng Naga
Bukod kay Robredo, kamakailan lamang ay nagpahayag din ng pagkatuwa ni Hontiveros dahil nakapasok sa magic 12 ang kanilang mga kaalyadong sina dating Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Bukod dito, inaasahan na rin magkakaroon ng puwesto sa Kongreso sina Akbayan Partylist first nominee Chel Diokno at Mamamayang Liberal (ML) Partylist first nominee Leila de Lima.
MAKI-BALITA: Sen. Risa, masaya sa nagiging resulta ng eleksyon: 'Lumalakas na ang totoong oposisyon!'