Isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng 12 senador na nanalo sa 2025 midterm elections sa Sabado, Mayo 17.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na itatakda ang proklamasyon dakong alas-3:00 ng hapon sa Manila Hotel Tent City, kung saan isinagawa ang canvassing.
Ayon pa kay Garcia, padadalhan nila ng imbitasyon para sa proklamasyon ang mga nanalong senador ngayong Biyernes ng hapon.
Samantala, itinakda ng Comelec ang proklamasyon ng mga nanalong party-list groups sa Lunes, Mayo 19.
Inabot lamang ng tatlong araw ang canvassing, na pinakamabilis na canvassing na isinagawa ng Comelec sa kasaysayan ng halalan sa bansa.
Narito sa link na ito ang listahan ng mga nanalo: