May 16, 2025

Home BALITA

Palasyo, pinalagan si Sen. Dela Rosa: 'Bato-bato sa langit, ang tamaan 'wag magalit!'

Palasyo, pinalagan si Sen. Dela Rosa: 'Bato-bato sa langit, ang tamaan 'wag magalit!'
Photo courtesy: screengrab from PCO/FB at Senate of the Philippines

Inalmahan ng Palace Press Undersecretary Claire Castro ang naging pahayag ni Sen. Bato dela Rosa hinggil sa umano’y pananakot ng Palasyo sa pagpasok ng mga bagong senador sa 20th Congress.

Sa press briefing ni Catro nitong Biyernes, Mayo 15, iginiit niyang wala siyang tinutukoy na sinomang senador sa kaniyang naging pahayag noon patungkol sa mga tatayo raw na pekeng oposisyon sa Senado.

“With all due respect to Senator Bato Dela Rosa, batu-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magalit. Unang-una po, wala tayong pinapangalanan kung sino man, ito po ay pangkalahatan, ang nais po natin sa taumbayan ay huwag maging obstructionist, para magtuluy-tuloy po ang magagandang proyekto at programa ng Pangulo at ng administrasyon,” ani Castro.

Wala rin daw siyang tinatakot na senador kaugnay pa rin ng kaniyang naging pahayag na nakahandang labanan ng kasalukuyang administrasyon ang mga magiging pekeng oposisyon.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

“Wala po tayong tine-threatened na senador. Sana po ito ay napakinggan man lang sana niya iyong mga words na aking nasabi, para siguro po maiiba ang kaniyang impresyon at ang kaniyang tugon, kung narinig niya iyong buo kung sinabi,” dagdag pa ni Castro.

Matatandaang noong Mayo 14 nang ihayag ni Castro na tatanggapin daw ng PBBM admin ang mga bagong oposisyong mabubuo sa Senado sa pagpasok ng 20th Congress ngunit lalabanan nito ang mga umano’y “obstructionist.” 

“Inaasahan din po ng administrasyon ang presensya ng lehitimong oppositionist pero lalabanan po ang mga obstructionist na nagtatago sa pangalan ng oppositionist... mga obstructionist na maaaring pansarili lamang ang kanilang ilalaban,” saad ni Castro.

KAUGNAY NA BALITA: PPBM admin, tanggap pagpasok ng 'tunay na oposisyon' sa Senado; 'pekeng oposisyon,' lalabanan!