May 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pagpupumilit sa impeachment ni VP Sara, ikinatalo ng Alyansa sa eleksyon—Tiangco

Pagpupumilit sa impeachment ni VP Sara, ikinatalo ng Alyansa sa eleksyon—Tiangco
Photo courtesy: Toby Tiangco/FB, Manila Bulletin file photo

Nanindigan ang campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na si Navotas lone district Representative Toby Tiangco na malaki ang naging epekto umano ng nakabinbing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa bilang ng kanilang mga pambatong nakalusot sa magic 12 ng senatorial race.

Sa panayam ng DZBB kay Tiangco, iginiit niyang ramdam na raw niya ang pagtagilid ng kanilang partido sa Mindanao matapos ang kanilang mga ginawang survey bago at pagkatapos lumutang ang impeachment complaints laban kay VP Sara.

BASAHIN: Toby, sinisi umano ng Alyansa; nagpakana ng impeachment ni VP Sara, sinisi naman niya

“Alam naman natin kung ano yung nangyari sa Mindanao. This all started noong nag-file ng impeachment. Alam n’yo bago pa lang nagsimula ang eleksyon nagpapa-survey na kami. So mga November, December nagpapa-survey na kami, so natra-track talaga namin yung Mindanao and as soon as na file yung impeachment, which I would make it clear hindi ako pabor, hindi ako pumirma, tingin ko hindi dapat tinuloy, nakita ko na, ipinakita ko na sa aming lahat na nagso-solidify yung Mindanao,” saad ni Tiangco.

Eleksyon

Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

Dagdag pa niya, posible umanong nagbago ang pananaw ng mga botante sa Mindanao, base sa kung sinong kandidato raw ang hindi papabor na ma-impeach ang Pangalawang Pangulo.

“Ibig sabihin yung boto nila dun, kung dati nakakakuha yung mga kandidato namin ng boto dun [sa Mindanao] kasi ang basehan nila sa pagpili ng kandidato ay kung sino ang kursunada nila, [ay] naiba yung pagpili nila ng kandidato dun. Ang pagpili nila ng kandidato dun ay kung sino yung hindi boboto sa impeachment, so nag-solidify yung Mindanao noon pa lang nakita na,” anang campaign manager ng Alyansa.

Tahasa niya ring iginiit na “self-inflicted” daw ang ikinasang impeachment complaints laban kay VP Sara—na sa simula pa raw ay iginiit na niyang posibleng makaapekto sa kandidatura ng kanilang senatorial bets.

“Talagang yun eh self inflicted yun eh, hindi dapat nangyari yun. Pwedeng hindi na-file yung impeachment bakit ba pinilit-pilit yung impeachment na sinabi ko naman sa kanila wala namang mangyayari diyan dahil June 2 pa ‘yan tatalakayin ng Senate. So ganun nga yung nangyari ‘di ba?” ani Tiangco. 

Matatandaang noong Disyembre 2024 ng magsunod-sunod ang impeachment cases laban kay VP Sara habang noong Pebrero 2025 naman nang tuluyan siyang ma-impeach sa House of Representatives sa botong 215 sa pangunguna ni Ilocos Norte 1st Rep. Sandro Marcos.

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte

KAUGNAY NA BALITA: Sandro Marcos, unang pumirma sa impeachment complaint vs VP Sara

Lima mula sa 10 pambato ng Alyansa ang lumusot sa magic 12 ng partial and unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) na nakatakda ng maiproklama hanggang Linggo, Mayo 18, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend