May 17, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mga partylist na nakapangalan sa ‘teleserye’ at tunog ‘ayuda,’ ipagbabawal na sa susunod na eleksyon—Comelec

Mga partylist na nakapangalan sa ‘teleserye’ at tunog ‘ayuda,’ ipagbabawal na sa susunod na eleksyon—Comelec
Photo courtesy: via Comelec

Inihayag ng Commission on Elections na ipagbabawal na nila ang pagkakaroon umano ng mga party-list na nakapangalan sa sa mga teleserye at tunog ayuda.

Sa press conference nitong Biyernes, Mayo 16, 2025, iginiit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan daw magpalit ng pangalan ang mga party-list na magbabalik tumakbo sa Kamara sa susunod na taon.

“We will no longer allow party-list groups in the next accreditation process to use the names of popular telenovelas, to use the names of ayuda,” saad ni Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, “We will require them, if they wanted accreditation, to change the name of their party in accordance with their principle, in accordance with their kung ano ‘yung pinaglalaban talaga at ano talaga ang plataporma ng mismong [what they advocate and the platforms of that] party-list organization.”

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Matatandaang kabilang ang “Ang Probinsyano, Tutok to Win at Batang Quiapo Party-list” sa mga naging matunog sa nakaraang eleksyon. Habang ang TUPAD at 4Ps party-list naman ang hinango mula sa mga ayudang pinamimigay ng gobyerno. 

Sa 2028 nakatakda ang susunod na halalan para sa susunod na Pangulo ng bansa hanggang sa lokal na mga posisyon.