May 16, 2025

Home SHOWBIZ

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla
(photo courtesy: Lolit Solis/IG)

Nalungkot daw si Manay Lolit Solis sa resulta ng senatorial race kung saan hindi nakapasok sa "magic 12" si Senador Bong Revilla.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Mayo 16, sinabi ni Lolit na bukod sa naging malungkot siya sa resulta ng eleksyon ay iniisip niya ang mga biyayang natatanggap ng Pamilya Revilla mula sa langit.

"Panalo si Lani, nasa puwesto si Jolo, [mayroon] silang abogadang anak at isang magdo doktor. Ano pa ang mahihiling mo sa buhay," saad ng showbiz columnist.

Dagdag pa niya, hindi raw natatapos sa eleksyon ang buhay ni Revilla.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

"Election is just one day in your life, what you do with the rest ang mas importante. Hindi natapos sa eleksiyon ang buhay ni Bong Revilla. Marami pa siyang magagawa at puwedeng gawin. Mahaharap na niya ngayon ang mga bagay na medyo napabayaan dahil sa dami ng ginagawa niya. Now is the time para magawa na niya ang mga bagay na medyo napabayaan na niya," sey pa ni Lolit. 

"Basta nakita ko ang ganda ng ugali ni Bong ng makita niya ang resulta. Walang bitterness, walang inggit, walang galit. Tinanggap niya ang resulta ng kalmado at very positive, a real gentleman. Ito ang patunay kung anong klase ng tao si Bong Revilla. I am so proud of him.

It is really an honor to be his friend, and to be close to him. Ang mahalaga hindi ang Senador, o action star at artistang si Bong Revilla. Ang pinaka importante, iyon tao na si Bong Revilla," ayon pa sa kaniya.

Bukod dito, nagbigay-mensahe si Lolit para sa senador.

"So proud to know you. Very big honor to have been close to you. Hold your head high, because the respect and love for you will never diminished because of the election, basta ikaw parin ang minamahal, iginagalang, at lagi namin pagtitiwalaan, nag iisang Bong Revilla. Bongga forever."

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Final senatorial, party-list ranking sa 2025 midterm elections