May 16, 2025

Home BALITA National

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Dalawang kongresista ang nagpahayag ng kanila sa umanong posibilidad na pagpapatuloy daw ng liderato ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa ambush interview ng media kina House Deputy Speaker David Suarez at Quezon Rep. Mark Enverga nitong Biyernes, Mayo 16, 2025. 

“We believe that si Speaker Martin will continue his term as Speaker. I guess it’s a matter of discussing it siguro in the coming month, probably or soon enough. So, I think tuloy naman ‘to, I don’t know any rumors, wala naman akong naririnig na rumors,” ani Envarga.

Dagdag pa ni Suarez, na napatunayan na raw ang pamumuno ni Romualdez sa nakaraang tatlong taon niyang pamumuno.

National

Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency

“Unang-una naniniwala naman tayo sa nakalipas na tatlong taon nakita naman natin yung performance ng House. Nakita po natin kung paano tayo nakapag-deliver sa  legislative agenda ng ating Pangulo at nakita din po natin kung paano po na-managed ng ating leadership yung [mga] issues na hinaharap ng ating bansa,” ani Suarez.

Dagdag pa niya, “So naniniwala, buong tiwala po ang karamihan sa atin na continuity ang mahalaga para sa kongreso and we’re fully supportive behind the leadership of Speaker Martin Romualdez.”

Nakatakdang magtapos ang kasalukuyang 19th Congress sa Hunyo 13, 2025 na papalitan naman ng 20th Congress sa Hulyo matapos ang panunumpa ng mga bagong lider mula sa Senado hanggang sa lokal na posisyon sa Hunyo 30.