Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros hinggil sa arrest order laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, at kay Cassandra Ong at iba pa, dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.
"The arrest orders issued against Harry Roque, Cassi Li Ong, and everyone involved in the Porac POGO hub are a welcome development in our crusade against POGOs," saad ni Hontiveros nitong Biyernes, Mayo 16.
"That hub was one of the biggest scam compounds in the country. Talamak ang human trafficking, kidnapping, torture, money laundering, at kung anu-ano pang krimen. Dapat lang na humarap sa korte ang mga akusado," dagdag pa niya.
Giit ni Hontiveros, alam daw ni Roque na mali ang ginagawa nito sa pag-iwas batas.
"Harry Roque must be compelled to return to the Philippines. If he doesn’t, not only would he be evading an arrest order from Congress, he would also be defying a lawful order from a court. Abogado siya kaya alam niya na mali ang ginagawa niyang pag-iwas sa batas," anang senadora.
"Bukod pa kina Roque, isa rin sa inisyuhan ng arrest order ay ang ninong ni Cassie na si Duanren Wu. Naibunyag natin sa Senado na may koneksyon siya kay Li Duan Wang, ang Chinese junket operator ng Dynasty, na nagtangkang maging Filipino citizen.
"These dubious personalities seem to be interconnected. Kaya importante na mapanagot ang mga mapatunayang may sala. Kung hindi, mag-iibang anyo lang sila at makakapambiktima na naman ng mga kababayan natin."
Samantala, para kay Roque, “hindi makatarungan” ang inilabas na arrest warrant laban sa kaniya.
BASAHIN: Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands