Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na wala anong magiging epekto ang naging desisyon ng Court of Appeals na bawiin ang acquittal ni Congresswoman-elect Leila de Lima sa nakatakda kaniyang pagkapanalo bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list sa Kamara.
Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Biyernes, Mayo 16, 2025, iginiit niyang wala raw pending case ang ML partylist maging si De Lima sa mismong Comelec, dahilan upang hindi siya ipasuspinde.
“Wala naman pong pending case sa amin yung mismong naturang partylist para kami mag issue ng order to suspend any proclamation,” ani Garcia.
Dagdag pa niya, “Wala pong epekto 'yan sa magiging proklamasyon natin doon sa kanilang party-list o personalidad.”
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 15 nang ibaba ng Court of Appeals ang kanilang desisyon na muling buksan ang isa sa 3 drug case at tuluyang binawi ang acquittal ng dating seandora.
KAUGNAY NA BALITA: Isa sa drug cases ni De Lima, muling pinabuksan ng SolGen sa Court of Appeals
Ang acquittal ni De Lima sa isang drug case noong 2023 ang sinusubukang habulin ng Solicitor General kung saan napawalang bisa ang isang kaso ni De Lima matapos bawiin ni noo'y Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos ang kaniyang mga pahayag laban sa kasong idinidiin kay De Lima.
Samantala, nanindigan din ang dating defense team ni De Lima na mananatili pa rin umanong malaya ang dating senadora.