Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang official tally ng mga boto sa pagkasenador at pary-lists sa 2025 midterm elections.
Nitong Huwebes, Mayo 16, nang matapos ng Comelec, tumayong National Board of Canvassers (NBOC), ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list.
Narito ang senatorial candidates na nakapasok sa magic 12:
1 Bong Go – 27,121,073
2 Bam Aquino – 20,971,899
3 Ronald ‘Bato’ dela Rosa – 20,773,946
4 Erwin Tulfo – 17,118,881
5 Francis ‘Kiko’ Pangilinan – 15,343,229
6 Rodante Marcoleta – 15,250,723
7 Panfilo ‘Ping’ Lacson – 15,106,111
8 Vicente ‘Tito’ Sotto III – 14,832,996
9 Pia Cayetano – 14,573,430
10 Camille Villar – 13,651,274
11 Lito Lapid – 13,394,102
12 Imee Marcos – 13,339,227
Samantala, narito ang nangunang mga party-list na nakatanggap ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang boto sa nagdaang halalan:
1 Akbayan – 2,779,621
2 Duterte Youth – 2,338,564
3 Tingog – 1,822,708
4 4Ps – 1,469,571
5 ACT-CIS – 1,239,930
6 Ako Bicol – 1,073,119
Nilinaw naman ng Comelec na isasalang pa sa auditing ang naturang official tally, ngunit nakatakda raw ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa Sabado ng tanghali, Mayo 17.