May 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Voter turnout ngayong halalan, pinakamataas sa kasaysayan ng PH midterm elections — Comelec

Voter turnout ngayong halalan, pinakamataas sa kasaysayan ng PH midterm elections — Comelec
Courtesy: Comelec

Inilahad ng Commission on Elections (Comelec) na naitala ngayong halalan ang pinakamataas na turnout ng mga boto sa kasaysayan ng midterm elections sa bansa.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 15, inihayag ng Comelec na 55,874,700 sa kabuuang 68,431,965 registered voters ang bumoto sa bansa noong Lunes, Mayo 12.

Katumbas daw ang naturang datos ng 81.65% voter turnout.

“On May 12, 2025, a total of 55,874,700 out of 68,431,965 registered voters or 81.65% actually voted, making this year's National and Local Elections the Philippine midterm elections with the highest voter turnout,” saad ng Comelec.

Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

Nilinaw naman ng komisyon na ang voter turnout ay initial unofficial estimate lamang at isasapinal pa base sa pagkumpleto ng canvass ng lahat ng Boards of Canvassers.