May 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'
Courtesy: SP Chiz Escudero/FB

Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa mga kumandidato nitong 2025 midterm elections na isantabi na ang pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa mga mamamayan, hindi lamang daw sa mga bumoto sa kanila o kanilang mga kaalyado.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Mayo 15, inilarawan ni Escudero ang kabuuan ng nagdaan eleksyon noong Lunes, Mayo 12, sa acronym daw na “HOPE” o “honest, orderly, and peaceful election.”

Pinuri rin ng pangulo ng Senado ang Commission on Elections (COMELEC), sa pamumuno ni Chairman George Garcia, dahil sa “maayos at mahusay nilang pamamahala.”Pinasalamatan ni Escudero ang mga guro at iba pang tagapangasiwa ng eleksyon na naging susi raw sa isang mapayapang proseso ng pagboto. 

“Dahil sa kanilang sipag at dedikasyon, napanatili natin ang integridad ng ating demokrasya,” ani Escudero. 

Eleksyon

Voter turnout ngayong halalan, pinakamataas sa kasaysayan ng PH midterm elections — Comelec

Samantala, hinikayat ni Escudero ang mga kandidato at publikong magkaisa sa bagong panunungkulan ng mga nahalal na lider ng bansa.

“Matapos ang eleksyon, oras na para isantabi ang pulitika at ituon ang atensyon sa paglilingkod sa lahat ng mamamayan, hindi lang sa mga bumoto sa atin o sa ating mga kaalyado,” saad ni Escudero.

“Ang halalan ay isang bahagi lang ng demokrasya, pero ang totoong hamon ay ang patas at tapat na pamamahala—ang tunay na malasakit para sa bawat Pilipino, anuman ang kanilang paniniwala o panig sa pulitika. Magsama-sama tayo para sa mas maunlad at nagkakaisang bayan,” dagdag pa niya.