May 16, 2025

Home BALITA National

PBBM, hindi manghihimasok sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara—Palasyo

PBBM, hindi manghihimasok sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara—Palasyo
Photo courtesy: Sara Duterte, Bongbong Marcos/FB

Muling iginiit ni Palace Press Undersecretary Claire Castro na hindi mangingialam at ipauubaya ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Senado ang nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay Castro nitong Huwebes, Mayo 15, 2025, na nakakomporme lamang daw ang administrasyon sa kung ano ang naaayon sa batas.

"Hindi [mangingialam] ang Pangulo kung ano man ang mangyari diyan," ani Castro. 

Dagdag pa niya, "Basta tayong lahat ay para sa batas. Kung ano yung naaayon sa batas, siya ang dapat sundin."

National

Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

Kaugnay nito, nakiusap naman si Castro sa mga senador na maging patas umano sa mangyayaring paglilitis sa mga kasong kinahaharap ni VP ara.

"Ang hiling natin ay gampanan ng mga senador ang kanilang obligasyon, hindi lang para sa iisang tao kundi para sa lahat ng taumbayan," saad ni Castro.

Samantala, matatandaang nauna nang igiit ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na malaki umano ang tiyansa ni VP Sar ana makakuha ng malaking suporta mula sa mga pinangalanan niyang senador sa kaniyang Facebook live noong Miyerkules, Mayo 14, (araw sa Pilipinas).

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, ibinahagi mga posibleng senador na ‘kokontra sa impeachment’ ni VP Sara