Kinuwestiyon ng Office of the Solicitor General ang pagkaka-acquit ng isang drug case laban kay Congresswoman-elect Leila de Lima na ngayo’y tuluyan nang ni-reverse ng Court of Appeals (CA).
Batay sa "certiorari" petition na inihain ni Solicitor General Menardo Guevarra na siyang pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) 8th Division, muling nakabinbin ang acquittal ni De Lima sa naturang drug case.
Ang certiorari ay isang uri ng petisyong ginagamit ng mataas na hukuman upang kuwestiyunin ang desisyon ng mababang hukuman—at siyang ginamit ni SolGen Guevarra laban sa naging desisyon ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC).
Ang acquittal ni De Lima sa isang drug case noong 2023 ang sinusubukang habulin ng Solicitor General kung saan napawalang bisa ang isang kaso ni De Lima matapos bawiin ni noo'y Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos ang kaniyang mga pahayag laban sa kasong idinidiin kay De Lima.
Saad ng deisyson ng CA mula sa inihain ng SolGen ang kawalan umano ng matibay na ebidensya kung ano sa pahayag ni Ragos ang kaniyang binawi at kung paano nito tinalo ang mga ebidensyang inilatag ng korte laban kay De Lima.
"It is flagrant in the assailed Decision and Order that the public respondent failed to: (1) state the particular statements which witness Ragos specifically retracted; (2) state in particular the effects of the retracted statements to the facts proven by the prosecution; and (3) state which particular element of the crime charged was not proven," anang decision ng Court of Appeals.
Dagdag pa nito, "Without a concrete reference to the particular portions of the testimony that were recanted, We are left to speculate as to which facts were disregarded and the extent to which such retractions influenced the outcome of the case."
Samantala, sa panayam ng isang lokal na pahayagan sa legal defense team ni De Lima, mananatili pa rin umanong malaya ang dating senadora.
"Status is maintained, the final and unappealable nature of the acquittal, until the Supreme Court affirms the CA’s reversal [of the decision]," saad ng defense team ni De Lima.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si De Lima hinggil sa decision ng Court of Appeals. Bukas ang Balita sa anumang reaksiyon mula sa kampo ni De Lima.