May 16, 2025

Home BALITA National

Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO
Harry Roque (file photo)

Naglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 ng arrest warrant laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, at kay Cassandra Ong at iba pa, dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

Walang piyansa sa kasong isinampa laban kina Roque, Ong, at 48 iba pa.

Kaugnay umano ang naturang arrest order sa iniimbestigahang ilegal na POGO Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang pahayag sina Roque at Ong hinggil sa desisyon ng korte.

National

PBBM, hindi manghihimasok sa nakabinbing impeachment trial ni VP Sara—Palasyo

Matatandaang noong Setyembre 2024 nang umalis ng bansa si Roque matapos siyang ipa-contempt ng House of Representatives dahil sa hindi niya pagsipot sa pagdinig hinggil sa koneksyon niya sa POGO Lucky South 99, na siya ang lumalabas na umano'y legal counsel.

Bukod dito, nabigo rin daw si Roque na magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite, tulad ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom

Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si Roque, kung saan nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC). Nananatili pa rin naman umano sa Pilipinas si Ong.