May 15, 2025

Home BALITA National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026
Photo courtesy: DepEd/FB

Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang umano’y kumakalat na mga pekeng impormasyon hinggil sa pagtatanggal nila ng K to 12 Matatag curriculum sa paparating na school 2025-2026.

Sa pamamagitan ng Facebook post sa kanilang lehitimong FB page noong Miyerkules, Mayo 14, 2025, nagbabala ang ahensya sa publiko kaugnay ng naturang fake news laban sa kasalukuyang curriculum. 

"Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagtanggal ng K to 12 program sa darating na SY 2025-2026," anang DepEd.

Dagdag pa nila, "Pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation."

National

Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Hinikayat din ng DepEd ang publiko na makipag-ugnayan sa kanila kung sa kaling may makita raw na mga mali at pinekeng impormasyon tungkol sa basic education.

"I-report ang anumang uri ng maling bata o impormasyon tungkol sa basic education sa [email protected]," anang ahensya.