Ibinahagi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pagdating at pagbisita ng bunsong kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Duterte sa The Hague, Netherlands noong Martes, Mayo 13, 2025 (araw sa Netherlands).
Sa Facebook live ni Roque, ibinahagi niya ang kaniyang panayam sa kapatid ni dating Pangulong Duterte na unang beses daw na makikita at mabibisita ang kaniyang kapatid matapos siyang maaresto.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD
“Of course I wanna see the welfare n'ya, how's he doing? I won't know until I get inside,” ani Bong.
Hindi rin pinalampas ni Roque na tanungin si Bong kung ano raw ang masasabi nito sa naging resulta ng nagdaang halalan noong Mayo 12, kung saan tanging lima sa kanilang 10 kandidato ang pumasok sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec).
“Sa DuterTEN, I'm a little bit disappointed because I was really looking forward that the DuterTEN will make it,” anang bunsong kapatid ni dating Pangulong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA:DuterTHREE na lang? VP Sara sa unofficial election result: 'Not what we had hoped for'
Samantala, ayon pa kay Bong, masaya raw ang naging reaksyon ng dating Pangulo matapos niyang mabalitaan ang kaniyang pagkapanalo bilang alkalde ng Davao City maging ng iba pa niyang mga anak at dalawang apo na kapuwa humawak na rin ng iba’t ibang lokal na posisyon sa Davao.