December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang 'femicide' at bakit nakababahala ito?

ALAMIN: Ano ang 'femicide' at bakit nakababahala ito?
Photo courtesy: Pixabay

Marami ang nagulat sa krimeng kinasangkutan ng 23-anyos na Mexican beauty content creator na si Valeria Marquez matapos masaksihan ng mga tagasubaybay niya ang naganap na pamamaril sa kaniya habang nagsasagawa ng livestream sa isang social media platform.

Ayon sa mga ulat, habang naka-live ang content creator na kilala sa pagtatampok ng iba't ibang beauty at make-up products, isang lalaki raw ang biglang pumasok sa beauty salon na kaniyang pinagtatrabahuhan, at dito na raw siya pinaulanan ng bala hanggang sa mamatay.

Hindi naman tinukoy sa mga ulat ang pangalan ng suspek na namaril sa biktima at kung ano ang motibo nito.

Subalit lumulutang na maaaring biktima raw si Valeria ng "femicide" na talamak daw ngayon sa bansang Mexico.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Ang femicide, na isang gender-based violence, ay intensyonal na pagpatay, pananakit, o pang-aabuso sa isang babae dahil sa kaniyang gender.

Ayon sa ulat ng United Nations (UN) Women na mababasa sa kanilang website, sa bawat 10 minuto, may napapatay na babae ng kaniyang partner o sa isang pamilya, noong taong 2023.

Pagbibigay-kahulugan nila sa femicide, "Femicide (or feminicide, as it is referred to in some contexts) is defined as an intentional killing with a gender-related motivation."

"It is different from homicide, where the motivation may not be gender-related," anila pa.

Paliwanag pa nila, "Femicide is driven by discrimination against women and girls, unequal power relations, gender stereotypes or harmful social norms."

"It is the most extreme and brutal manifestation of violence against women and girls which occurs on a continuum of multiple and related forms of violence, at home, in workplaces, schools or public spaces, including intimate partner violence, sexual harassment and other forms of sexual violence, harmful practices and trafficking."

Sa latest report umano ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC) at UN Women, ang femicide daw ay nangyayari saanmang panig ng daigdig.

"While there has been growing awareness and public outcry against these killings, much more needs to be done to prevent violence against women, stop its escalation, provide adequate services to survivors and punish perpetrators," anila pa.

Sa artikulo nilang "Five essential facts to know about femicide" na nailathala noong Nobyembre 25, 2024, nagbigay sila ng limang facts tungkol sa femicide.

Una na rito, ang mga kadalasang nabibiktima raw ng femicide ay mga bata at adult na babaeng napapatay ng mga taong malalapit sa kanila, gaya ng intimate partners o mismong family members gaya ng nanay, tatay, o mga kapatid.

Pangalawa, ang femicide daw ay isang universal problem. Noong 2023, pinakamataas daw na bilang ng femicide ay mula sa Africa, sumunod sa Americas at Oceania, at pinakamababa naman sa Asya at Europa.

Pangatlo, kung mataas daw ang bilang femicide batay sa datos, ito ay "tip of the iceberg" pa lamang. Ibig sabihin, marami pang mga "unreported cases."

Pang-apat, may greater risk daw sa femicide ang mga babaeng nasa "public eye" gaya ng mga sumasabak sa politika, human rights defenders, at mamamahayag.

Panlima, maaari daw iwasan at masawata ang femicide sa pamamagitan ng pagsusumbong sa mga awtoridad. Maaari ding magsampa ng kaso sa mga offender at nagsasagawa ng violence act sa kababaihan. May proteksyon ang kababaihan sa batas sa bawat bansa.

Sa Pilipinas, may tinatawag na Republic Act 9710 o Magna Carta of Women. Ito ay "comprehensive women’s human rights law that seeks to eliminate discrimination through the recognition, protection, fulfillment, and promotion of the rights of Filipino women, especially those belonging to the marginalized sectors of society."

Ang Philippine Commission on Women (PCW) naman ang komisyon ng pamahalaan na dapat mag-monitor sa implementasyon ng batas na ito.

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga awtoridad kung bakit nga ba pinaslang ang nabanggit na content creator.K

KAUGNAY NA BALITA: Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'