May 14, 2025

Home BALITA National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!
Photo courtesy: MB file photo, Sebastian Duterte/FB

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na suportado raw niya ang pagsusulong ng batas kontra political dynasty sa bansa.

Sa panayam ng media kay Duterte nitong Miyerkules, Mayo 14, 2025, iginiit niyang may kredibilidad umano siyang magsalita patungkol sa usapin ng political dynasty dahil siya raw mismo ay apektado mula rito.

“Ako yung may pinakamalaki at solid ang kredibilidad to speak about political dynasty because I come from a political dynasty, so wala nang mas matindi pang expert sa political dynasty,” anang Pangalawang Pangulo. 

Dagdag pa niya, gugustuhin din daw niyang siya ang sumulat at bumalangkas kung isasabatas ang pagbabawal sa pagkakaroon ng dinastiya sa bansa.

National

De Lima, tinanggap alok ni Romualdez dahil sa 'duty at principle'

“Susuportahan ko ba ang batas na anti-political dynasty? Yes. Kung bibigyan nila ako ng pagkakataon, ako yung susulat. Ako yung pinakamagaling sa political dynasty,” ani VP Sara. 

Nilinaw naman naman ng Bise Presidente na wala pa raw nababanggit ang kaniyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Sebastian Duterte, Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at half-sister na si Kitty Duterte na ayon sa kanilang ama na si dating Pangulong Duterte, ay pinasusundan ang kaniyang yapak sa politika.

“Quiet sila, walang nagte-take up,” aniya.

Dagdag pa niya, “Lahat kasi ang pinag-uusapan yung detention ni PRD (President Rodrigo Duterte), so walang nagbri-bring up ng politics sa bahay.”

Samantala, matapos ang National and Local Elections (NLE) noong Mayo 12, tuluyang naipasok sa politika ang anak ni Rep. Paolo na si Omar Duterte bilang Representative ng ikalawang distrito sa Davao City habang ang kaniyang kapatid na si Rodrigo “Rigo” Duterte II naman ang nangunang konsehal sa kanilang balwarte.