Iminungkahi ni Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta ang mas maaga umanong proklamasyon ng top. 6 mula sa partial and unofficial result ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nagwagi sa Senatorial race.
Saad ni Marcoleta nitong Miyerkules, Mayo 14, 2025, hindi na raw maaapektuhan pa ang anim na kandidatong nangunguna sa senatorial race kahit na hintayin pa daw ang pagpasok ng lahat ng election returns.
“As of writing, 97.23% of election returns have already been transmitted, with herein movant, senatorial candidate Rodante Marcoleta, currently ranked 6th in the senatorial race, having garnered total of 14,895,858 votes, ani Marcoleta sa mosyon na kaniyang isinumite sa Comelec.
Kumpiyansa pa si Marcoleta na hindi na raw kasi maaari pang “i-contest” ang kasalukuyang resulta ng eleksyon na mayroon ang Comelec.
“Hence, may we respectfully pray that, should Honorable Commission determine that it is statistically improbable for the ranking of the leading senatorial candidates to be altered based on the official canvas returns, it should consider allowing the early proclamation of the top-ranking Senators whose positions can no longer be reasonably contested,” aniya.
Kabilang si Marcoleta sa anim na mga tumatakbong senador na nanguna sa kasalukuyang datos ng Comelec kasama sina: (1) Sen. Bong Go, (2) Bam Aquino, (3) Bato dela Rosa, (4) Erwin Tulfo at (5) Kiko Pangilinan.