Bago pa man maging Santo Papa, kilala na si Pope Leo XIV na aktibo sa social media.
Bagama’t si Pope Benedict XVI ang unang Santo Papang gumamit ng social media platform na X noong 2012, si Pope Leo XIV ang nag-iisang Santo Papa na may social media history sa loob ng 14 na taon na nagpapahayag ng kaniyang saloobin sa isyu ng racism, sexual abuse ng mga kaparian, COVID-19 at giyera ng Ukraine at Russia.
BASAHIN: KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media
Sa bagong gawa ang official Instagram ni Pope Leo XIV, na may username na "pontifex," may isa tong post kung saan binati niya ang publiko.
"Peace be with you all! This is the first greeting spoken by the Risen Christ, the Good Shepherd. I would like this greeting of peace to resound in your hearts, in your families, and among all people, wherever they may be, in every nation and throughout the world," anang Santo Papa.
Ang naturang post niya ay naglalaman ng mga larawan niya mula sa pagkakahalal niya bilang bagong lider ng Simbahang Katolika.