May 15, 2025

Home BALITA Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño
Photo courtesy: Luis Manzano (FB)

Tinanggap na ng Kapamilya TV host at tumakbong vice governor ng Batangas na si Luis Manzano ang kaniyang pagkatalo sa nagdaang 2025 National and Local Elections.

Hindi kinaya ng boto kay Luis ang natamong boto ng kalabang si Governor Hermilando “Dodo” Mandanas na siyang pinaburan bilang makaka-tandem ng kaniyang inang si Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto, na muling tumakbo sa pagkagobernador ng Batangas.

Sa kaniyang Facebook post, Miyerkules, Mayo 14, tinanggap ni Manzano ang pagkatalo subalit para sa kaniya, feeling panalo pa rin daw siya dahil sa mga Batangueño.

"Mga kababayan kong Batangueño,"

Eleksyon

HS Romualdez, ikinatuwa pagkapanalo ng mga kandidato ng Lakas-CMD: 'A victory of trust!

"Hindi man tayo pinalad sa resulta ng halalan, panalo pa rin ako, dahil sa inyo," aniya.

"Sa bawat ngiti, kwento, at yakap na ibinahagi n’yo sa kampanya, mas naramdaman ko ang tibok ng puso ng Batangas. Mas napalapit ako sa inyo. Mas nakilala ko kayo, at iyon ay habang buhay kong babaunin."

"Salamat sa mga supporters, sa pamilya ko, at higit sa lahat, sa Diyos na naging gabay sa buong laban."

"Masigla at napakasaya ng kampanya dahil nakasama ko kayo. At kahit tapos na ang eleksyon, ito ay umpisa pa lamang ng matagal pa nating pagsasamahan."

"Hanggang sa muli. Maraming salamat po," aniya pa.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe para sa kaniya ang misis na si Jessy Mendiola.