May 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Matapos ang nagdaang National and Local Elections (NLE) 2025, muling pinalad na makabalik at mailuklok sa kani-kanilang huling termino ang apat na alkalde sa Metro Manila.

Quezon City

Sa Quezon City, muling napataob ni incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kaniyang mga katunggali sa puwesto matapos ang landslide win at makakuha ng 1,030,730 boto sa lungsod. Taong 2010 nang unang mahalal si Belmonte sa QC bilang vice mayor. Habang taong 2019 naman nang tuluyan siyang tumakbo bilang alkalde at palaring makaupo sa puwesto. 

Pasig City

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Tinambakan naman ni incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang mahigpit na katunggaling si Sara Discaya, matapos ang landslide win sa botong 286,897 kontra sa 24,136 na boto kay Discaya.

Si Sotto ang pumutol sa dinastiya ng mga Eusebio matapos ang mahigit dalawang dekada. 

San Juan City

Muli ring nagbabalik sa kaniyang puwesto at huling termino si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos siyang makakuha ng 57,998 boto kontra sa katunggaling si Philip Cezar na may botong 8,340.

Matatandaang si Zamora ang kauna-unahang alkaldeng nakaputol sa dinastiya ng mga Estrada San Juan matapos ang kanilang 50 taong pamumuno doon.

Pasay City

Tuloy pa rin sa kaniyang huling termino si incumbent Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa Pasay City matapos makakuha ng tinatayang 132,928 boto laban sa konsehal ng lungsod na si Editha Manguerra na may nakuhang boto na 88,110.

Si Emi ang kauna-unanang babaeng naging alkalde ng lungsod na naunang pumasok sa politika bilang Kongresista at konsehal ng Pasay City. 

Matapos ang kani-kanilang matagumpay na kandidatura sa magkakasunod na termino, nakaabang ang taumbayan kung sino-sino sa kanila ang susubok sa mas mataas pang posisyon ng gobyerno sa National Elections sa 2028.