May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Jimmy Bondoc sa pagkatalo: 'Tuluyang laban ay pagtatanggol sa bayan mula sa kasamaan!'

Jimmy Bondoc sa pagkatalo: 'Tuluyang laban ay pagtatanggol sa bayan mula sa kasamaan!'
Photo courtesy: Jimmy Bondoc (FB)

Tila tanggap na ng singer, abogado, at senatorial candidate na si Atty. Jimmy Bondoc ang hindi niya pagkakapasok sa top 12 ng partial at unofficial election result ng senatorial race, sa naganap na halalan noong Lunes, Mayo 12.

Si Bondoc ay isa sa mga kandidato sa pagkasenador na "DuterTEN" na nasa ilalim ng PDP-Laban, na ang chairman ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, Martes, Mayo 13, ang pagpapasalamat niya sa Diyos at taumbayan. Aniya, ang nagdaang eleksyon daw ay pansamantalang laban lamang dahil ang tunay na laban daw ay pagtatanggol sa bayan laban sa kasamaan.

"Wala pong sapat na salita upang maipakita ko ang aking pasasalamat sa Panginoon at sa taumbayan para sa pagkakataong ito. Diyos ang nagluluklok, at ang Kanyang pasya ay sapat sa akin."

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

"Ang eleksyon po ay pansamantalang laban. Ngunit ang tuluyang laban ay ang pagtatanggol sa bayan natin mula sa kasamaan. Hindi biro ang ating kinalalagyan, ngunit dahil sa paligsahan ng eleksyon, sandali tayong nalingat sa totoong kalagayan ng bayan," aniya pa.

"Sana, makita nating lahat na hindi na nadadaan sa galit at paninira ang mga problema natin. Ang kailangan natin ay diskurso at pag-iisip. Sana, umangat na ang antas ng pampublikong talakayan ng ating bayan."

Giit pa ni Bondoc na sana raw ay manaig pa ang pag-ibig at tigilan na ang mga bangayan.