May 15, 2025

Home BALITA National

De Lima, tinanggap alok ni Romualdez dahil sa 'duty at principle'

De Lima, tinanggap alok ni Romualdez dahil sa 'duty at principle'
Photo courtesy: via Balita/MB

Naglabas ng opisyal na pahayag si Mamamayang Liberal (ML) party-list first nominee at incoming representative-elect Atty. Leila De Lima kung bakit siya pumayag sa alok ni House Speaker Martin Romualdez na sumama sa House Prosecution Panel na uusig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Batay sa kaniyang X post, Miyerkules ng gabi, Mayo 14, kinumpirma ni De Lima na inimbitahan siya mismo ng House Speaker para sumama sa prosecution panel.

"The House Speaker has invited me to serve on the prosecution panel for the upcoming impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte. I have accepted," aniya.

"My decision comes from a place of duty and principle. I have always stood for truth, accountability, and the rule of law—across different administrations, regardless of political affiliation. That commitment remains unchanged."

National

Pakiusap ni Jimmy Bondoc: 'Pauwiin si Digong, wag pag-initan si Sara!'

"This is not about personalities or partisan politics. It is about honoring the public trust and the responsibilities that come with it. My participation is one part of the broader agenda for Justice and Reform—an agenda I intend to pursue fully as I take my place in the House of Representatives," dagdag pa.

Photo courtesy: Screenshot from Leila De Lima (X)

Samantala, bukod kay De Lima, makakasama niya sa panel si Akbayan party-list first nominee at Akbayan representative-elect Atty. Chel Diokno, na tinanggap ang alok ng House.

MAKI-BALITA: De Lima aprub sa alok ni Romualdez, maging prosecutor sa impeachment ni VP Sara

MAKI-BALITA: Bukod kay De Lima: Diokno, uupong prosecutor sa impeachment ni VP Sara