May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Yorme' Isko 'di pa napoproklama: 'Patiently waiting lang sa gedli'

'Yorme' Isko 'di pa napoproklama: 'Patiently waiting lang sa gedli'
Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso (FB)

May hirit ang nangunang kandidato sa pagka-mayor ng Maynila na si "Yorme" Isko Moreno Domagoso na hindi pa napoproklama bilang panalo ng Board of Canvassers ng Commission on Elections (Comelec).

Aniya sa kaniyang Facebook post, "Nakapaghintay nga ang mga Batang Maynila nang halos tatlong taon para tayo ay muling makabalik; ano ba naman ang ilang oras na ating hihintayin para opisyal na ma-proklama? ."

"Bandang 3:30 ng madaling-araw ay bumisita po tayo sa City Board of Canvassers para personal na tingnan ang nangyayaring bilangan."

"Napagdesisyunan po ng ating mga canvasser na mamayang hapon na lang ituloy ang proklamasyon ng mga kandidatong nanalo sa Lungsod ng Maynila dahil hindi pa tapos i-transmit ang mga manual ballot," aniya.

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

Nauna nang mag-concede ang mga nakalabang sina Sam "SV" Verzosa at incumbent Manila Mayor Dr. Honey Lacuna.