Naglabas ng pahayag si senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez matapos mabigong lumusot sa Magic 12 sa katatapos lang na 2025 midterm elections.
Sa latest Facebook post ni Rodriguez nitong Martes, Mayo 13, nagpaabot siya ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kumilala sa kakayahan niyang mamuno.
Aniya. “Patuloy nating tutulan ang korapsyon at pagmalasakitan ang kapwa Pilipino, sikapin na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang ating mga kabataan at bantayan ang kaban ng bayan.”
“Muli, tanggapin po ninyo ang aking respeto, pagkilala at taos pusong pasasalamat sa inyong lahat,” dugtong pa ni Rodriguez.
Matatandaang naghain ng kandidatura si Rodriguez noong Oktubre sa The Manila Hotel Tent City upang pamunuan umano ang tunay na oposisyon.
Dating executive secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Rodriguez ngunit kalaunan ay nagbitiw sa posisyon dahil hindi na raw nito masikmura ang korupsiyon.
MAKI-BALITA: Rodriguez sa pag-alis niya sa Malacañang: 'Hindi ko masikmura ang korupsiyon!'
Pero bago pa ito ay matagal naging abogado at tagapagsalita ng presidente si Rodriguez.